post-image

Groundbreaking Ceremony Para Sa Pagtatapos Ng Kalsada Sa Eastern Samar, Ikinagalak Ng Mga Mamamayan

Saksi ang daan-daang kababayan natin mula sa mga bayan ng Dolores, Maslog, Can-avid at mga karatig bayan sa isang makasaysayang Groundbreaking Ceremony na ginanap sa Barangay Hinolaso, Dolores Eastern Samar. Ang groundbreaking ceremony na ito para sa pagtatapos ng kalsada patungong Maslog, na nagsisimula sa Barangay Carolina, Can-avid at Dolores ay isang katuparan ng matagal na nating pangarap.

Sa matagal na panahon, ang proyektong ito ay naging bahagi ng ating kolektibong adhikain—ang magkaroon ng mas maayos na koneksyon at mas madaling transportasyon sa pagitan ng ating mga bayan. Sa bawat araw na lumipas, nariyan ang pangarap na magkaroon ng kalsadang magdudugtong sa atin, magpapadali ng kalakalan, at magpapabilis ng paglalakbay para sa ating lahat.

Eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore magna aliqua. Ut enim ad minim veniam, quis nostrud exercitation ullamco laboris nisi ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis aute irure dolor.- Anger Mathe

Nais kong pasalamatan ang lahat ng dumalo sa okasyong ito na nagbigay ng kanilang suporta, kay Bishop Crispin Varquez na nirepresentahan ni Fr. James Abella ang Chancellor ng Dioces of Borongan, DPWH Regional Director, Engr. Edgar Tabacon na nirepresentahan ni Engr. Adelina Gomez, BGEN. Perfecto Penaredondo, PCOL Matthe Aseo, PCOL Jose Manuel Payos, LtCol Rodito Gotladera, DPWH ESDEO Engr. Domcelio Natividad, gayundin ang mga Mayors na sina Mayor Rac Santiago, Mayor Onoy Rivera, Mayor Gina Ty, Mayor Javiz Zacate, Mayor Benjamin Ver, Mayor Rochelle Mergal, Mayor Daniel Boco kasama din ang mga Board Members, sina BM Stella Libanan, BM Gigi Zacate, BM Annabelle Capito, BM Pol Gonzales, mga Konsehat at Barangay Officials,at sa bawat mamamayan, maraming salamat sa inyong walang sawang pagtulong at paniniwala na kaya nating makamit ang pangarap na ito.

Mga kababayan, ito'y simula pa lamang. Marami pang magagandang pagbabago ang naghihintay para sa ating lahat. Muli, maraming salamat sa inyong lahat at mabuhay tayong lahat!